NI: HANNAH JANE SANCHO
Labis na ikinabahala ng Armed Forces of the Philippines ang pagsasabak ng Maute terror group ng mga menor de edad sa bakbakan sa Marawi City.
Ikinaalarma ng Armed Forces of the Philippines and ulat na pinipilit ng teroristang Maute group ang ilang kabataan sa Marawi na makipaglaban sa pwersa ng pamahalaan.
Ito ang ibinahagi ni AFP Spokesperson Restituto Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang.
Mismong mga sibilyan na nakatakas mula sa kamay ng mga militante ang siyang nagbigay ng impormasyon na mga menor de edad ay sinasabak din ng Maute sa bakbakan.
Ginagawa naman lahat ng paraan ng tropa ng pamahalaan na hindi mapasama sa casualty ang Maute child warrior na napapasabak sa labanan ngunit kapag armado ito ay talagang mapipilitan silang i-disable ito.
Una nang sinabi ng AFP na nasa 80-100 na lamang ang bilang ng Maute sa Marawi City.
Kabilang na dito ang mga menor de edad at foreign fighters na nakasama ng mga militante na nakikipaglaban kasama ng mga terorista.