NI: CHERRY LIGHT
Pinalaya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang menor de edad na pasahero na patungo sana ng Malaysia dahil kapangalan nito ang nasa talaan ng person of interest ng Department of National Defense (DND) na may kaugnayan sa rebelyon sa Marawi.
Ito’y matapos mapatunayan ng ahensiya na kapangalan lang nito ang hinahanap nilang kabilang sa warrant of arrest na may kaugnayan sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City dulot ng ISIS backed Maute terror group.
Si Abdulrahman Maute na taga-Iligan City ay nag-eedad pa lamang ng labing anim na taong gulang.
Ayon din sa otoridad nasa kustodiya na ng nanay ang naturang batang Maute kung saan pinayagan na rin siyang makaalis ng bansa.
Matatandaang pitong pasahero na mga may apelyidong Maute ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) patungo sanang Malaysia kahapon dahil sa mayroon alert order galing ng Department of National Defense ang mga ito.
Naiturn-over naman kagai sa CIDG ang tatlong Maute sa dahil sa may outstanding warrant of arrest ang mga ito at kabilang sa person of interest ng pamahalaan.