NI: MHET SANDING MIÑON
Alam mo bang ang maling ginagawa ng iba ay ang pag-upo o pagtayo ng matagal, pagbubuhat ng mabibigat at pagtulog ng maling posisyon ng pagtulog ay maaaring magresulta ng pananakit sa likod at maka-pinsala sa spinal structure.
Ang lahat ng nabanaggit na ito kapag matagal nang nakagawian ay maaaring makaapekto sa tindig o posture.
Ito ang mga paraan para mapanatili ang good posture at kung ano nga ba ang benepisyo nito sa ating kalusugan.
Maganda dahil naayos nito ang ating mga organ.
Pero kapag laging yumuyuko ang rib cage ay itinutulak nito pababa ang mga internal organ na maaaring maging sanhi ng mga karamdaman kagaya ng digestive problem. Sa pagkakaroon ng good posture.
Napapanatili nito ang kaluwagan ng intestine na nagpapaayos ng trabaho nito.
Kapag nakakaranas ng palagiang pananakit ng itaas na bahagi ng katawan ito ay maaaring sanhi ng maling postura ng katawan.
Kapag ginagawa ang tamang postura ng katawan ay maaaring mabawasan ang nararamdamang pananakit at tensyon sa iyong katawan sa pag yuko buong araw.
Sa pagpapanatili ng ganitong gawain ay mapapanatili ang good posture ng iyong katawan at sa loob ng ilang linggo.
- Sa pag-aaral naman ni Tomi Ann Roberts Ph.D, ang tuwid ang postura ay nakakaramdam ng dominante at tagumpay sa anumang larangan na nagdudulot ng abilidad na maging relax at maging pokus sa mga problema.
- Maaaring maiwasan ang pagkakuba sa pagpapanatili ng tamang postura at pagkain ng mga pagkain na mayayaman sa calcium.
Sa mga may edad naman ay makakaiwas sa pagkabawas ng height dahil karaniwang umuurong ang mga kalamnan nila habang tumatagal.
Kaya naman sa huli, dapat tandaan na ang pagkakaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ay makapagbibigay ng tamang kaligayahan.