TINIYAK ng Department of Labor and Employment sa mga repatriyadong mga overseas Filipino workers o OFWs mula sa Saudi Arabia ang patuloy ang pagtulong sa kanila ng naturang ahensiya.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga grupo ng mga OFWs na dating empleyado ng Mohammad Al-Mojil Group sa Saudi Arabia na patuloy na makatatangap ang mga ito ng tulong habang hinihintay pa ang pinal na aksyon ng korte sa mga hindi nababayarang sahod at iba pang mga monetary claims.
Kasalukuyang nakipag-ugnayan sina OWWA Deputy Administrator Brigido Dulay at Atty. Ceasar Chavez ng OWWA Repatriation Assistance Division sa Philippine Overseas Labor Office sa Al Khobar upang mapabilis ang proseso ng mga monetary claims ng mga OFWs sa korte ng Saudi.