Mahigpit na ipinagbabawal na sa bansang Uganda ang pagsuot ng mga seksing kasuotan lalo na ang mini skirt sa mga kababaihan.
Ang bagong guidelines na pinalabas ng Ministry of Public Service ay umaatas lamang sa mga empleyado ng gobyerno na hindi nakauniporme
Ito ay bilang pagbibigay babala ang gobyerno na manamit nang maayos ang mga kawani.
Bunsod din ito sa maraming napapaulat na nababastos ang mga kababaihang nagsusuot ng mga maiikling damit sa publiko.
Bahagi rin umano ng kultura ng bansang Uganda ang pagiging konserbatibo kaya nais lamang ng gobyerno na maprotektahan ang mga kawani nito na hindi nakauniporme.
Kabilang sa ipinagbawal sa mga babae ang magsuot ng blouse na nagpapakita ng cleavage, mag-nail polish na may matitingkad na kulay, mag-braid o magsuot ng hair extension, magsuto ng sleeveless o transparent blouses.
Ipinagbawal din ang “above the knee” na mga palda ang mga kababaihan, ngunit maaring magsuot ng pant-suits na hindi masikip.
Habang sa mga kalakihan naman ay dapat magsuot ng long-sleeved shirts, jackets at ties, at hindi dapat “tight-fitting.”
Kaugnay nito ay may “disciplinary action” para sa mga ayaw sumunod o lumabag alinsunod sa bagong kauutusan.