Giyera kontra sa Communist Party of the Philippines (CPP) kung magdedeklara ng nationwide martial law.
Ayon kay CPP Founding Chairman Jose Maria Sison, maapektuhan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at ng gobyerno kung palalawigin pa ang sakop ng martial law.
Dagdag pa ni Sison, gagawin din silang target ng militar at pulis.
Kaya mungkahi ng CPP leader, isama ang kanilang grupo sa talakayan patungkol sa pagpapalawig ng martial law sabay ng back channel peace talks.
Matatandaang ipinag-utos ng CPP-NDF sa kanilang armadong grupong npa na palakasin ang pwersa bilang pagtuligsa sa pagdedeklara ng martial law ni Duterte.