Bukas na sisimulan ang pagpapatupad ng nationwide smoking ban ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health secretary Paulyn Ubial, sisimulan pa rin ang smoking ban kahit na isinasapinal pa ang implementing rules and regulations.
Pangungunahan ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng smoking ban.
Lahat ng local government units ay kailangang bumuo ng task force para matiyak na tama ang pagpapatupad sa Executive Order No. 26.
Sa ilalim ng nationwide smoking ban, ipagbabawal na ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.