‘All systems go’ na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.
Ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde, nasa anim na libo at tatlundaang pulis ang idedeploy para sa sona.
Bawal naman ang jammer at drones sa loob ng six kilometer radius.
Wala namang ilalagay na barikada sa mga kalsada malapit sa Batasan Complex para mas makalapit ang nasa sampu hanggang labinlimang libong mga raliyista.
Umaasa naman si Albayalde na hindi magreresulta sa mabigat na daloy ng trapiko ang papalapit na SONA.
Tiniyak din ni Albayalde na walang banta sa nasabing aktibidad.