NI: CHERRY MAE ROSALES
NAPAKARAMI nang iba’t ibang uri at kuwento ng mga nobelang inilalabas sa publiko. Dahil dito, hindi mo na malaman kung anong libro ang susunod mong babasahin, lalo na kung kakatapos mo lang magbasa ng napakagandang libro, mahirap mag-isip ng susunod na babasahin na mahihigitan ang mga pangyayari ng iyong naunang nabasa. Upang kayo ay matulungan sa pagpili, naglista ako ng mga librong mairerekomenda ko para sa inyo:
- “The Adventures of Sherlock Holmes” ni Arthur Conan Doyle
Sino ba naman ang hindi nakakikilala sa sikat na detective na si Sherlock Holmes? Tamang-tama ang librong ito para sa mga taong hilig ang paglutas ng mga misteryo sa isang naganap na krimen.
- “The Kayne Chronicles” ni Rick Riordan
Isang sikat na manunulat ng libro si Rick Riordan. Isa sa mga sikat niyang nalathala at na isa ring pelikula ay ang “Percy Jackson.” Tulad ng kuwento ni Percy, tungkol din sa ‘demi-god’ o kalahating diyos at tao ang kuwentong ito. Binubuo rin ito ng tatlong bahagi o tinatawag na ‘trilogy’ na siguradong kaabang-abang bawat kabanata.
- “I am Number 4” ni Pittacus Lore
Punumpuno ng twist at mga bagay na talaga namang pang- ibang planeta ang nobelang ito. Ito ay tungkol sa walang katapusang paghahabulan ng mga bida at ng kanilang mga kaaway na planong ubusin ang kanilang lahi. Kakaibang superpowers ang ipinamamalas ng mga bida para lang mailigtas ang kanilang sarili. Kapana-panabik ang bawat kabanata, lalo na ang mga librong sumunod sa librong ito.
- “The Adventure of Tom Sawyer” ni Mark Twain
Sikat na sikat si Tom Sawyer, lalo na sa mga batang 90s dahil sa cartoons na ipinalabas noon. Aliw na aliw ang mga bata sa kuwento ni Tom kaya naman siguradong mawiwili ka ring basahin ang nobela ng kanyang buhay.
- “The Divergent”
Umaatikabong aksiyon ang ipararanas sa inyo ng nobelang ito. Kung nagustuhan ninyo ang pelikula nito, mas magugustuhan ninyong basahin ito dahil sa mga salitang ginamit ng sumulat ng librong ito na nasundan pa ng dalawang magagandang libro na karugtong ng “Divergent.”
Hindi lang ang mga iyan ang mga nobelang magandang basahin. Depende sa gusto ninyong genre, maraming aklat ang nababagay sa inyo.
Wika nga ni François Mauriac, isang French novelist, dramatist, critic, poet at journalist, “Tell me what you read and I’ll tell you who you are is true enough, but I’d know you better if you told me what you reread.”