May natanggap umano na intelligence report ang Philippine National Police chief Ronald dela Rosa na may pinaplanong malaki ang New People’s Army (NPA).
Tumanggi naman si dela Rosa magbigay ng detalye ukol rito at sa halip ay binigyang diin na lamang na may ginagawa rin ang mga otoridad ukol rito na hindi pwede ihayag sa media.
Sa pahayag pa rin ni dela Rosa kinakailangan umano nilang labanan ang rebeldeng grupo by “all means and by all cost”.
Dagdag pa ni PNP chief, matagal ng niloloko ng npa ang gobyerno at ang taumbayan at nagpapakunwari pang gustong makipag-ayos pero ginagamit lang pala ang pagkakataon upang magpalakas ng pwersa.
Sa huli, pinaalalahanan pa rin niya ang mga police commander na mag-ingat sa mga tawag na may ambush dahil ang kapulisan umano ang target ng mga pananambang kagaya ng nangyari sa Negros Oriental.