PINAS

OFW beneficiaries, hanggang Hulyo 31 na lamang ang aplikasyon sa OWWA scholarship

Muling nanawagan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga aktibong miyembro nito na hanggang Hulyo 31 na lamang ang aplikasyon ng Education for Development Scholarship Program (EDSP) para sa school year 2018-2019

Bukas ang naturang scholarship program para sa mga OFW na nagbabakasyon, mga OFW na tapos na ang kontrata pero aktibong miyembro ng OWWA at mga kuwalipikadong dependents katulad ng asawa ng OFW, anak na wala pang 21-taon, o kapatid kung ang OFW ay single.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, sakaling pumasa sa DOST Exam sa Oktubre ang isang OFW beneficiary mabibigyan ito ng prebilihiyo na makatatanggap ng P60, 000 na educational assistance per school year o P30, 000 per semester.