PINAS

OFW ID sasailalim ng tatlong buwang pilot run

SASAILALIM muna ng tatlong buwang pilot run ang bagong overseas Filipino worker (OFW) ID card na inisyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) bago magamit ng mga migranteng manggagawang Pilipino bilang automated overseas employment certificate.

 

Pinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangan ang pilot test upang masiguro na ito ay magiging hassle-free sa paggamit ng mga kuwalipikadong OFWs.

 

Ang OFW ID ay isang mahalagang bahagi ng Integrated Department of Labor and Employment (Idole) system dahil makapaglilibre ito sa mga OFWs mula sa aberya ng pagtungo sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang makakuha ng OEC bago umalis sa ibang bansa.

OFW ID CARD