Mula sa pinagsanib na pwersa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), agad na ipinasara nito ang tatlong bus company na nakabase sa Cubao.
Giit ng MMDA at LTFRB, inabot na ng isang taon ang ibinigay sa mga ito upang ayusin ang mga kinakailangan na dokumento at pasilidad para sa bawat operasyon ng mga ito.
Ayon sa pamunuan ng DLTB, aminado naman daw sila sa kanilang pagkukulang at giit nila matagal na nilang pinoproseso ang permit sa barangay ang kaso ngalang hindi pa sila napabibigyan.
Nakikipag ugnayan din daw sila dito sa planong backdoor ng terminal at handa din itong bayaran ang mga masasagasaan na pamilya sakaling payagan na silang gibain ang pader nito.
Samantala, bagamat naabisuhan na noon pa, ikinagulat pa rin ng pamunuan ng RORO at Dimple Bus ang ginawang pagpapasara ng MMDA sa kanilang operasyon.
Maliban sa mga Operational Violations, nag hire din ang kumpanya ng siyam na tauhan na walang kaukulang occupational permit o clearance.
Ayon sa kondisyon ng MMDA, maaaring maibalik ang operasyon ng mga naipasarang bus terminal kung masusunod lang nito ang mga kailangang papeles na hinihingi nito
Kabilang dito ang pagkakaroon ng: locational fire safety inspection certificate
sanitary permit, waste department clearance, dept of public order and safety clearance.
Sa susunod na mga araw sa bahagi naman ng pasay saparanaque ang nakatakdang inspeksiyunin ng mmda at ltfrb upang masigurong naipapatupad ng mga bus terminal ang panuntunan ng ahensiya.