PINAS

Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog at misis nito, patay sa CIDG raid

Patay si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog at misis nito na si Susan sa isinagawang raid ng Regional Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) sa mga bahay na pag-aari ng mga alkalde.

Kabilang din sa mga nasawi ang board member na si Octavio Parojinog at siyam na iba pa.

Nangyari ang insidente nang magpaputok umano ng baril ang mga security ni Parojinog ng i-serve ng CIDG ang search warrant para sa alkalde.

Matatandaan na kabilang ang mga Parojinog sa listahan ni Pangulong Duterte ng mga pangalan ng inidibidwal na sangkot sa illegal drug trade na tahasang itinanggi ni Parojinog.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng SOCO sa lugar.