NI: ANGEL PASTOR
Pagdidisiplina sa sarili na kumain ng tama, nakakapagdulot ng maganda sa kalusugan, at nagreresulta pa ng mas mahabang buhay ayon sa isang pag-aaral.
Hindi sa lahat ng oras ay masasabi mong ang iyong kinakaian ay tama at magdudulot ng nutrisyon sa iyong katawan.
Lumabas sa isang pag-aaral na ang pagpilo ng masustansyang pagkain sa simula pa lamang ay may malaking tsansa na hindi ka matatamaan ng kahit anong uri ng sakit na magreresulta ng mahabang buhay
Isa sa nagpapatunay nito ay ang report sa new england journal of medicine na ang pag-improve ng diet quality sa loob ng labindalawang taon ay nakakatulong upang maiwasan ang sakit sa puso.
Ang mga researcher naman sa harvard university ay nagsuri sa populasyon ng 74,000 health proffesionals at inalam ang mag eating habit nito sa loob ng apat na taon.
Lumalabas sa pagsusuring ito na sa loob ng labindalawang taon, kung ikaw ay kumakain ng tama lalo na ang pagkonsumo ng mga pagkain kagaya ng whole grain, mga prutas, gulay at mga isda ay nakitaan ng walo hanggang labing pitong porsyento ng tsansa ng hiindi pagkamatay sa mga susunod pang labindalawang taon.