PINAS

Pagtulong sa mga biktima ng human trafficking sa mga OFW, tiniyak ng ATOM

NI: CHERRY LIGHT

Sa pakikipag tulungan ng Anti – Trafficking OFW Movement (ATOM) sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tiniyak nito ang pagtulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nabibiktima ng human trafficking sa buong mundo.

Ayon kay Marissan del Mar, founder ng grupo, sampung milyong Pilipino na ang naitalang nabiktima ng human trafficking.

Ang naturang pahayag ay kasunod sa isinagawang pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng ATOM na tumutulong sa mga OFWs na nabibiktima ng sex trafficking at sapilitang pagtatrabaho sa mga menor de edad sa abroad.

Nagkasundo naman ito sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at sa iba pang sector para pagtulungan na sagipin ang lumalalang bilang ng mga bikitma ng human trafficking sa buong mundo.

Pinakamalaking bilang ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at nabibiktima ng human trafficking ay sa Hongkong, Kuwait, Singapore, Qatar, China, Japan, United Arab Emirates at Malaysia.