Isusulong pa rin ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process ang pakikipag usap SA CPP-NPA kahit na kinansela na ng pangulo ang backchannel talks ng gobyerno sa rebeldeng grupo.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI news Channel kay Sec. Jesus Dureza, kinumpirma nito na backchannel talks lang ang kinansela at hindi tuluyang isasara ang pakikipag-usap sa rebeldeng grupo.
Ani Dureza nagplano na umano sila ng pagpapadala ng peace panel sa Norway upang patuloy na alamin kung ano ang maaring mapagkasunduan ng dalawang panig ngunit bigla na lamang tinambangan ng rebeldeng grupo ang PSG o Presidential Security Group sa Cotabato.
Samantala, nakikita umano niya ang sinseridad ng mga lider ng rebeldeng grupo na nakakaharap ng peace panel na gusto na nito ng pagkakaayos sa kabila ng nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng tropa ng militar at NPA.