Umapela ng ‘due process’ ang Malakanyang sa gagawing imbestigasyon ng US Congress sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Tom Lantos Human Rights Commission para himayin ang war on drugs at mga umano’y extrajudicial killings.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na dapat ay iayon ng investigating panel ang imbestigasyon sa konteksto ng lawak ng hamong kinakaharap dahil sa droga.
Iginiit din ni Abella na ang kampanya kontra droga ng administrasyon ay para proteksyunan ang publiko at ang hinaharap ng bansa.