PINAS

Pangulong Duterte, binuweltahan si Ombudsman Morales ng mga pagpatay sa mga kriminal

“Nakakahiya ka”.

Ito ang binitawang salita ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Kasunod ito ng naging komento ni Morales na ang mga pagbabanta ni Duterte sa mga kriminal ay tila nag-uudyok sa mga tao para pumatay.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa mass oath-taking ceremony ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno sa Malacañang.

Sinabi ni Duterte, na nagpapanggap na konsensya ng lipunan si Morales at kailan pa daw itinalaga ni Morales ang kanyang sarili bilang tagapagsalita ng mga kriminal.

Ayon kay Duterte, mas maiging manahimik na lamang si Morales.