Walang mangyayaring pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ito, ayon kay chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay kung walang aksiyon ang Kongreso kaugnay ng pagpapalawig sa Batas-Militar.
Kung wala aniyang inisyatiba ang Kongreso ay kailangan ng panibagong proklamasyon.
Matatandaang hanggang animnapung araw lamang ang itinakdang Martial Law sa Mindanao.