Sa Greenland….
Pinangangambahan na ngayon ng mga eksperto ang nagpapatuloy na pagkatunaw ng yelo sapagkat maaari itong magdulot ng pagtaas ng level ng karagatan.
Ayon sa pagsusuri, ang patuloy na pag-init sa lugar ang nagdudulot ng pagkatunaw na ito.
Sa kasalukuyan, ang Greenland ay nag-aambag ng 1mm kada taon sa pagtaas ng normal na level ng karagatan.
Matatandaan namang ang Greenland ang may pinakamalaking bahagi ng yelo sa hilaga na umaabot sa pitong beses na laki ng United Kingdom at umaabot rin sa 3km ang kapal nito.