Tuluyan nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa pagbisita ni Duterte kahapon sa marawi, sinabi nitong ang operasyon sa New People’s Army (NPA) na ang isusunod oras na matapos ang gulo sa Marawi.
Una nang sinuspinde ang ikalimang round ng peace talks at backchannel negotiations sa CPP matapos ang pag-atake nito sa convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato.