Hindi na kinakailangan ang peace talks sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front (NDF).
Ito, ayon kay Communist Party of the Philippines founding chair Jose Maria Sison, ay kung na-o-obsess na ang Duterte regime sa martial rule at mga pagpatay para resolbahin ang mga problema ng bansa.
Kinuwestiyon naman ni Sison ang motibo ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na tinambangan ng News People’s Army (NPA) sa Arakan, Cotabato.
Ginawa ni Sison ang pahayag matapos na kanselahin ng GRP ang backchannel talks sa NDF kasunod ng pananambang ng npa sa convoy ng PSG.