Ipinakita ng isang Danish artisan chocolatier ang proseso sa likod ng pinakamahal na chocolate sa buong mundo na aabot sa halagang $250 bawat isang piraso nito, na nakasilid sa kahong pilak na pinapalamutian ng faux pearls at itinaling may laso.
Inihanda ni Fritz Knipschildt, na kilala rin bilang “The Willy Wonka of Connecticut,” ang La Madeline au Truffe na ibinibenta sa halagang $2,600 bawat libra para sa Guinness World Records sa Chocolate Room sa Brooklyn.
Kabilang sa mamahaling sangkap ng naturang chocolate ang espesyal na French Perigord truffle na pinaliligiran ng heavy cream, sugar, truffle oil at vanilla coated na 70% Valrhona dark chocolate at pinagulong sa fine cocoa powder.