PINAS

Pinari-rebyu ang DA kaugnay sa importers ng bawang-Sen. Villar

Pinas News

Ipinag-utos ni senador Cynthia Villar ang agarang pagrebyu sa listahan ng mga importer ng bawang sa bansa na pina-ban ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa mambabatas, nais nitong makasiguro na wala nang makakalusot na irregularidad sa nasabing ahensiya kaugnay sa usapin ng garlic cartel sa bansa.

Matatandaan na nasa 43 traditional importers ang ipina-ban ng ahensiya dahil sa kabiguan nitong magsuplay ng bawang sa bansa tuwing panahon na kung kailan mababa ang produksiyon sa nasabing produkto.

Samantala, iginiit naman ng senadora na matitigil lang ang importasyon ng bawang sa bansa kung sasapat na ang local production nito mula sa mga probinsiyang may magagandang lokasyon para sa pangangalaga hindilang ng bawang kundi maging ng sibuyas din.