PINAS

PNP, naghahanda na para sa all out war campaign vs NPA

Puspusan na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang kampanya laban sa New People’s Army (NPA).

Kasunod ito ng ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP chief PDGen. Ronald dela Rosa na tapusin ang rebeldeng NPA.

Sinabi ni PNP chief na hinihintay na lang niya ang instruction ng pangulo na tutukan nila ang laban kontra NPA kapag natapos na ang giyera sa Marawi City.

Una ng ibinunyag ni dela Rosa na ang may mataas na bilang ng mga NPA na nag-ooperate sa bansa ay nasa Agusan, Davao at Surigao sa Mindanao at sa Visayas naman ay ang Negros, Iloilo at Samar.

Magiging katuwang AFP ang PNP sa kampanya para pulbusin ang rebeldeng NPA.