NI: ALMAR FORSUELO
Umabot na 1,069 bilang na mga police personnel ang patuloy na minomonitor ngayon ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) dahil sa mga reklamo na kinasasangkutan ng mga ito.
Ang nasabing bilang ay nasa 6% sa kabuuang bilang ng mga kapulisan sa PNP.
Ayon kay PS/Supt. Chiquito Malayo, na noong nakaraang linggo lamang ay nakapagtala sila ng 210 na mga pulis na nadadawit sa drug related incidents, 198 na protektor ng mga iligal na aktibidad at 191 na kaso ng extortion.
Ang nabanggit na bilang ay ayon na rin sa mga natatanggap na reklamo ng mga mamamayan sa kani-kanilang lugar.
Sa nasabing bilang naman ay umabot na sa 32 na mga PNP personnels ang naaresto, liban riyan ay nasampahan na ng kaso ang 1 Police Officer, 1 Superintendent, 1 Senior Inspector, at 1 Chief Inspector
Matatandaang ittinalaga ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang dating Zamboanga City Police Director na si PS/Supt. Chiquito Malayo sa CITF upang tutukan ang paghahabol at paglinis sa hanay ng kapulisan laban sa mga police scalawags.