Binahagi ng isang manlalakbay ang isang video na pinapakitang nakatayo ang isang poste ng telepono sa gitna mismo kalye sa kahabaan ng isang highway sa Icozinho, Ceara, sa Brazil.
Bagaman delikado ang nasabing poste sa mga naglalakbay ng nasabing kalye, ang nakakatuwa naman ayon sa nagpadala ng video ay mayroon namang ‘warning sign’ 109 talampakan ang layo mula sa nasabing poste—babala daw sa mga naka-sasakyan.
Umani ng batikos ang City Planning ng nasabing siyudad sa Brazil nang matunghayan ng maraming tao ang video sa Youtube.