PINAS

Power black out sa Eastern Visayas, posibleng matagalan ayon sa DOE

Ni: Pol Montibon 

POWER black posibleng tumagal pa bago maibalik ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Eastern Visayas dahil sa nangyaring lindol nitong nakaraang araw. Ayon sa DOE, maraming planta ang napinsala kayat hirap pa rin ngayon sa suplay ng kuryente doon.

Hanggang ngayon ay wala pang final assessment ang Department of Energy (DOE) kaugnay sa malakas na lindol na naganap sa probinsiya ng Leyte kamakaila.

Matatandaang isang 6.5 na lindol ang tumama sa Leyte at sinundan pa ito ng mahigit sa isandaang aftershocks ayon sa PHILVOCS

Dahil dito lubos na naapektuhan ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Eastern Visayas.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi nasa limang planta ang naapektuhan dito at kailangang matingnan agad para di na tumagal pa ang problema ng kuryente sa mga apektadong lugar probinsiya.

Bumiyahe ang kalihim sa lalawigan ng Leyte upang personal na kausapin ang mga lokal na pamahalaan sa probinsiya at kung papaano agad na maibabali k ang power supply sa lugar.

Sa pagtaya ng DOE, aabutin ng hanggang sampung araw ang pagpapanumbalik ng kuryente sa Leyte sa kabila ng mga kinakaharap pang problema sa pagsasaayos ng mga planta dahil bukod sa pagkukumpuni, nanganganib din ang mga kinatitirikan ng mga ito dahil sa paglambot ng lupa dulot ng malakas na lindol.