Nadiskubre ng isang lalaki ang dahilan ng pagtaas ng kanyang water bill nang makita niyang pina-flush ng kanyang alagang pusa ang toilet bowl nang maraming beses sa isang araw.
Kinuhanan ng video ni Curt Coleman ang kanyang pusang si Crazy Eyes, kung paano nito nilalaro ang flush ng toilet; makikita sa video na umakyat ang pusa sa kubeta samantalang ginagamit nito ang paa upang idiin ang hawakan ng flush.
Kaya mula noon, isinasara na ni Coleman ang pinto ng palikuran tuwing aalis siya patungong trabaho upang maiwasan ang pagtaas na naman ng kanyang water bill.