Inanunsyo ng New Orleans Pelicans ang paglipat sa kanila ng four-time all-star point guard na si Rajon Rondo.
Inaasahan ng management ng Pelicans na mapupunuan ni Rondo ang naging kakulangan ng kopunan noong huling NBA season.
Makakasama ni Rondo sa Pelicans ang all-star big men na sina Anthony Davis at Demarcus Cousins.
Isang taon ding naglaro si Rondo sa Chicago Bulls kung saan nag-average siya ng 7.8 points, 6.7 assists, at 5.1 rebounds per game.