Nilinaw ngayon ni PNP Chief Dir. General Ronald dela Rosa na re-assignment lamang at hindi re-instatement ang nangyari kay Supt. Marvin Marcos.
Sa senate inquiry ng pagkakabalik ni Supt. Marcos sa serbisyo, sinabi dela Rosa na hindi na nakapagserve si Marcos at ng mga tauhan nito ng kanilang 4 month suspension dahil sa nai-file nilang motion for reconsideration.
Nangangahulugan na pending pa ang status sa administrative case na kinakaharap ni Marcos kung kaya hindi ito suspendido at nalagay lamang ito sa absence status kaya re assignment at hindi re-instatement ang nangyari.
Iginiit din ni dela Rosa na tumaas ang moral ng PNP sa nangyaring re-assignment kay Marcos dahil sa nagpapatunay lamang ito sa pangakong binitawan ni Pangulong Duterte sa mga pulis na maiipit sa serbisyo dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Bagamat aminado ang PNP chief na may iregularidad sa operasyon na ginawa ng mga akusadong pulis, dumaan naman aniya ito sa teknikal na proseso at dumaan narin sa proseso ng bailbond at pagkakakulong ang mga sangkot na pulis.
Iginiit din ni dela Rosa na sumusunod lamang siya sa direktiba ng pangulo na ibalik na sa serbisyo si Marcos.