Isang residente ng Yorkshire, England ang tumawag ng pulis sa pamamagitan ng emergency hotline 999 upang i-report ang hindi pagsusuot ng seatbelt ni Queen Elizabeth nang ito ay nagpakita sa publiko.
Nangyari ang naturang pagtawag matapos ang pagbibigay ng talumpati ni Queen Elizabeth sa State Opening of Parliament samantalang ito ay papalabas na sa naturang seremonya.
Haharap sa naturang lugar ang sinumang mahuhuling hindi nagsi-seatbelt ngunit hindi na umano sakop si Queen Elizabeth ng prosekusyon, kung kaya nagbabala ang pulis na ang numerong 999 ay hindi dapat gamitin bilang biro.