Nakadebelop ang isang unibersidad sa Spain ng isang robot na nakaprogramang mamalantsa ng mga damit.
Gumagamit ang isang TEO robot, na nadebelop sa Carlos III University of Madrid ng kamera na nakatanim sa ulo nito upang magprisinta ng hi-resolution 3D na mga imahe ng kabayo at isang pirasong tela upang plantsahin ang mga kulubot.
Sa oras na masuri ng TEO ang kulubot, ibababa nito ang braso upang ilagay ang plantsa sa ibabaw ng damit at paplantsahin ang mga kulubot.