PINAS

Saudi Arabia, magbibigay ng anim na mas magagaan na kondisyones sa Qatar

Sa Middle East…

Magbibigay umano ng mas madali at mas magagaang kondisyones ang Saudi Arabia sa Qatar.

Sinabi ni Saudi Arabian Ambassador to the United Nations (UN) Abdullah Bin Yahya Al-Mouallimi, na mahalaga ang anim na panuntunan na kasama sa labing tatlong naunang mungkahi ng kanilang bansa na sinang-ayunan din ng mga kasamang bansa noong Hulyo 5.

Ang anim na panuntunan ay mas magaan umano kaysa sa mga naunang ibinigay sa Qatar, kung saan hindi na rin kasama ang pagpapatigil sa operasyon ng Al Jazeera.

Dito muling inakusahan ni Al-Mouallimi ang Qatar sa pagpopondo para sa mga teroristang grupo sa kanilang rehiyon, na mariin namang itinatanggi ng Qatar.