BINUKSAN ng regional office ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-Caraga Region 13) ang scholarship program para sa direct dependents ng mga aktibong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Caraga region.
Tumatanggap ang naturang ahensiya ng mga aplikante para sa degree-granting scholarship programs sa school year 2017-2018 kabilang ang anumang four o five-year baccalaureate course.
Kailangan lamang ng mga naghangad na maging iskolar na maipasa ang entrance examination mula sa mga napiling kolehiyo o unibersidad. Bibigyan ang mga ito ng assistance ng P10,000 bawat semester o 20,000 bawat academic year.