Ito ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng miyembro ng kongreso sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na ipasa ang Tax Reform Package Bill.
Nanindigan naman ang ilang senador na susuportahan nila ang hiling ng Pangulong Duterte na maipasa sa kongreso ang tax reform package ngunit hindi naman nakatitiyak ang ilan rito na maipapasa ito ng 100 percent.
Ayon kay Sen. Sonnny Angara, hindi nagkulang ang kanynag komite na senate ways ang means na talakayin ito sa senado upang mapabilis ang pagpasa.
Sa katunayan aniya ay linggo-linggo silang nagkakaroon ng pagdinig kaugnay sa tax reform bill.
May mga aspeto lamang umano na hindi katanggap-tanggap na kailangang repasuhin.
Sinabi pa nito na handa syang magresign sa kanyang komiteng hinahawakan sakali mang hindi maipasa ng buo ang hiling ng pangulo.
Ilan sa mga tinutulan ni Angara ay ang pagbubuwis ng mataas sa mga sweetened products at beverages gaya ng mga softdrinks.
Naniniwala naman si Sen. Bam Aquino, mahaba pang debate ang magaganap sa tax reform bill bago maipasa ang panukala.
Ayon naman kay Sen. Grace Poe, kung isinusulong ni Pangulong Duterte ang pagkaroon ng karagdagang kita ay kailangang gawin ng senado ang trabaho nito na busisiin panukalang tax reform na hindi naman magiging pabigat sa taumbayan.
Matatandaang sa nagdaang pagdinig ay kinontra ng ilang senador gaya nina Sen. Cynthia Villar at JV Ejercito ang pagbubuwis sa mga low cost housing o yung mga murang pabahay.
Ayon kay Villar, mahihirapan lalo na ang nga OFW dito na nagsusumikap sa ibayong dagat para makabili ng bahay gayong bubuwisan pa ng pamahalaan.
Para naman kay Sen. JV sa pagbubuwis sa pabahay ay posibleng lumaki pa ang backlog sa pabahay kung ipatupad ito sa ilalim ng isinusulong na tax reform package ng Duterte administration.