Just like flies, hindi mapigilan ng mga movie goers ang pagpunta sa sinehan para panuorin ang Spider-Man: Homecoming.
Sa opening pa lamang nito ay umaabot na sa 257 million dollars ang kinita ng pelikula sa buong mundo samantalang nasa $175 million lamang ang nagastos ng hero film.
Para kasi sa mga manunuod, wala pa ring kupas ang ganda at galing ng mga mga adventures ni Tom Holland na pangatlong beses nang gumaganap bilang Peter Parker o Spider-Man sa pelikula.
At gaya ng Wonder Woman, nakatanggap ng “A” score ang pelikula mula sa kritiko na Rotten Tomatoes.