Balik-serbisyo na si Superintendent Marvin Marcos ng Criminal Investigation and Detention Group sa Region eight matapos itong ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dinepensahan ni Duterte si Marcos at sinabing wala itong kinalaman sa pagpatay kay Albuera mayor Rolando Espinosa sa kulungan nito sa Baybay, Leyte.
Ayon naman kay PNP chief director general Ronald dela Rosa, balik sa kanyang full duty status si marcos para muling makapagserbisyo sa pnp.
Si Marcos ay sinuspinde sa serbisyo matapos masangkot sa pagpatay kay Espinosa.
Pero nakapagpiyansa ito at ang mga kapwa akusado matapos pababain ng korte ang kaso ng mga ito.