Ni: Shane Elaiza E. Asidao
Isinagawa ng South Korea ang kanilang kauna-unahang intercontinental ballistic missile (ICBM) matapos ang matagumpay na pagpapalipad ng long-range missile ng North Korea.
Kasama ng bansa ang United State para maipakita ang kapabilidad ng mga ito.
Sa karagatan ng South Korea sinubukan ang sinabing mga missiles na tinatawag na Republic of Korean Hyunmoo Missle II, at ang Army Tactical Missile System of ATACMS
Sa kabilang banda ang nasabing long-range missile ng North Korea ay kayang umabot saan mang mundo kabilang na ang U.S dahil sa matibay na re-entry system nito.
Ngunit, sa pahayag na binigay ni US President Donald trump hinggil dito, nangako siyang kokumprontahin ang North Korea.
Dagdag niya, “I think we’ll just take a look at what happens over the coming weeks and months.”
Nagdesisyon na magsagawa ng close door session ang ilang miyembro ng UN Security Council matapos ng nasabing test-fire ng North Korea.