Pinakamahirap na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Base sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), tanging si Mariano lamang ang walang idineklarang real property maliban sa kanyang mga damit na nagkakahalaga ng tatlumpu’t limang libong piso at ipon na higit dalawang daang libong piso.
Sa kabuuan, nasa halos tatlong daang libong piso ang halaga ng ari-arian ni Mariano.
Pumangalawa sa pinakamahirap si National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza na mayroong higit pitung daang libong pisong net worth.
Pinakamayaman naman sa gabinete si Public Works and Highways Secretary Mark Villar na may kabuuang 1.41 bilyong pisong net worth.
Samantala, si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagdeklara ng 3.7 milyong piso na net worth; dalawang milyon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at 1.2 miyong piso si Health Secretary Paulyn Ubial.