PINAS

Xian, mahal na mahal ang musika

 NI: ROMMEL PLACENTE

 

BAGO pa man nakilala bilang Filipino actor, model at contract artist ng Star Magic si Alexander Xian Cruz Lim-Uy, na mas kilala bilang “Xian Lim” sa mundo ng show business ay una na niyang minahal ang musika.

Kaya niyang tumugtog ng piano, trombone, saxophone at gitara.

Ngayon, sa pangalawang pagkakataon ay muling patutunayan ni Xian ang kanyang sarili sa pagkanta at pagtugtog ng iba’t ibang instrumento sa itaas ng entablado.

 

Nagpapasalamat

“I’m so overwhelmed sa lahat ng nangyayari. I loved music because my mom is a piano teacher, kaya sa bahay palaging nagpi-play ng piano,” kuwento pa ng actor.

Magkakaroon ng concert ang actor ngayong July 15 na gaganapin sa The Theater, Solaire na pinamagatang, “Songs In The Key of X.”

 

Binuo ang nasabing concert ng grupo ng mga tagahanga nila ni Kim Chiu na KimXian Around The Globe, Inc. (KATG).

Nagpasalamat naman nang husto si Xian sa ipinakitang pagmamahal at suporta ng KATG sa kanya, lalo na’t hindi ito ang unang pagkakataong naging concert producer niya ito.

Noong 2015, naging producer ang KATG sa kanilang concert ng katambal na si Kim kasama sina Enrique Gil at Liza Soberano na mas kilala bilang “LizQuen” na ginanap sa New York.

 

‘Songs In The Key of X’

Sinabi ni Xian na sisiguraduhin niyang matutuwa at masisiyahan ang mga dadalo sa kanyang concert.

“Pinag-isipan ito from last year pa. Kumbaga, pingpong kami ng ideas. Never ending brain storming ang ginawa namin. Para sa kanila talaga ito, sa lahat ng mga manonood, bubusugin namin ang kanilang mga tainga,” pahayag ng actor nang makausap namin sa press conference ng kanyang concert.

Ipinaliwanag ni Xian kung bakit “Songs In The Key of X” ang pamagat ng kanyang concert.

“It’s more of my personal journey in life. At ‘yung ‘X’ kasi is the first letter of my name,” pahayag ng binata.

 

Tulad pa rin ng dati

Hindi bahagi ng kanyang concert si Kim ngunit makikita pa rin ito sa kanyang concert dahil nangako umano ang rumored girlfriend na manonood ito kasama ang mga kaibigan.

“She will be coming to our concert along with her friends. She will be watching, sinabi naman niya,” pagmamalaki ng actor.

Nagkomento rin ang actor sa rumors na lumabas na nagkakalabuan na sila ni Kim.

Aniya, “Well, rumors are rumors, ‘di ba? Kung anuman ‘yung mga pinagsasabi ng mga tao, then let it be. That’s their belief and I’m okay.”

Hindi pa man tuluyang umaamin ang dalawa sa kanilang relasyon pero may mga balitang naghiwalay na sila.

“I don’t really have anything to say kasi, I don’t really entertain those kind of vibe. Wala naman kasing patutunguhan ‘yung mga ganyang unwanted comments,” ayon pa sa actor.

Sinabi pa niya na walang nagbago sa relasyon nila ng ka-loveteam at tulad pa rin sila ng dati.

“It’s still the same.  ‘Yun pa rin,” ani Xian.

Kung ano umano ang pagmamahal na ibinigay niya para kay Kim ay ganoon pa rin iyon hanggang ngayon.

Aniya, na-miss din niya na muli silang magsama sa teleserye man o sa pelikula ng dalaga.

Bagama’t kasama ngayon ni Kim ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa teleseryeng “Ikaw Lang ang Iibigin,” sigurado siya sa kung anuman ang mayroon sila ng actress sa kasalukuyan.

 

Solo painting exhibition

Sina Jona, KZ Tandingan at Matteo Guidicelli ang special guests ni Xian sa kanyang “Songs In The Key of X” concert.

Mula ito sa musical direction ni Chino David at si Alco Guerreto ang over-all director.

Samantala, nagpaliwanag siya sa ginawa niyang pagpapaalam sa kanyang social media accounts sa loob ng isang linggo pero ngayon ay active na ulit siya rito.

“Nag-sink in kasi nu’ng day na ‘yun, when I said goodbye for now sa social media, na there’s so many deadlines sa project. I was doing and still doing a film with Coleen (Garcia), then preparation for this concert, then the album I just finished a couple of days ago. Then the day after July 15, I have a solo exhibition for painting. That’s July 16 naman po sa Greenhills.  So sabi ko, tatapusin ko muna ang mga ito saka ako babalik sa social media,” mahabang paliwanag ng magaling na actor.

 

Pagmamahal ni Liza kay Quen hayag na

Mahilig si Liza Soberano na mag-post ng sweet messages para sa kanyang kaparehang si Enrique Gil.

Kamakailan lang, nag-post siya sa kanyang Instagram sa photo shoot nila ni Quen para sa isang glossy magazine.

“One of my favorite shoots with my favorite person,” pahayag ng bagong superhero na si “Darna.”

“Take my hand, hold my heart, love me with no hesitations,” Ito naman ang caption niya sa isa pang picture nila ni Quen.

 

Carla, Tom na-miss ang paggawa ng teleserye

Inamin ng magkasintahang Tom Rodriguez at Carla Abellana na na-miss na nila ang paggawa ng teleserye na magkasama.

Malaki umano ang kanilang pagpapasalamat dahil magkasama silang dalawa sa “I Heart Davao” na drama at kilig ang atake.

 

Luis, Jessy isang taon na

Nagpalitan ng sweet anniversary messages ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang Instagram account.

Ani Luis, “Happy anniversary to you, Wowow. Thank you for leaving a smile on my face after a year and looking forward to many more. Your strength day in and day out never fails to impress me and amazing would be an understatement to describe you.”

“Happy anniversary, my love! Thank you for coming into my life and making me laugh every day. I am indeed such a lucky girl, one year has gone by and here I am falling in love with you more every single day,” mensahe naman ni Jessy para sa boyfriend.

“Here’s to one year and forever…” dagdag pa ng dalaga.

 

Maymay kasama na sa ‘La Luna Sangre’

Official nang kasama sa cast ng “La Luna Sangre” ang “Pinoy Big Brother” (PBB) winner na si Maymay  Entrata.

Masayang-masaya ang dalaga dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama ang magagaling na artista. Naghahanda na rin siya sa pelikulang pagsasamahan nila ng ka-loveteam na si Edward Barber. Kilala ang kanilang tambalan bilang “MayWard.”

 

Vicki, Hayden magpapakasal ulit

Magpapakasal ulit ang mag-asawang  Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

Magaganap ang kanilang grand wedding sa kanilang favorite City sa Paris.

Kamakailan, naganap ang kanilang civil wedding sa Makati City.

 

Sarah pangarap na maging ‘Valentina’

Inihayag ni Sarah Lahbati na kung mabibigyan siya ng pagkakataong gumanap bilang kontrabida ng Pinay Superhero na si “Darna” ay hindi niya ito tatanggihan.

Maugong kasi ang balitang siya ang gaganap bilang si “Valentina.”

Naniniwala umano siya na kung para sa kanya ang role ay mapupunta ito sa kanya pero kung sa iba ay para talaga sa iba.

 

Food chain ni Maine nakuhanan ng fans

Sa mga post ng ilang fans ni Maine Mendoza, ipinakita nila ang food chain na pag-aari ng dalaga pati ang location nito.

Sa August umano mangyayari ang grand opening.

 

Ganti ni Sunshine  kay Ryza hinihintay

Maraming nanonood ng teleseryeng “Ika-6 na Utos” (INU) nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon sa afternoon series ng GMA-7.

Ngunit hindi lahat ng nanonood ay natutuwa sa mga eksenang nagaganap sa nasabing drama series dahil palaging panalo ang kontrabidang si Georgia (Ryza) laban sa bidang si Emma (Sunshine).

Hindi na umano makatotohanan ang kuwento. Anila, imposibleng mangyari sa tunay na buhay ang nangyari kina Emma at Georgia sa INU.