Ni: Ma. Leriecka Endico
Hindi lang mga kamangha-manghang teorya at kapaki-pakinabang na imbensyon ang naimbag ng tanyag na scientist na si Albert Einstein sa mundo ng siyensya ngayon. Higit sa mga ito ay ang kanyang pagsisikap na gawin ang mga bagay na mukhang imposible sa pamamagitan ng pagtitiyaga, pagkabigo at pagpapahalaga sa tao.
Narito ang 11 aral sa buhay na kanyang personal na naranasan at nais ibahagi sa lahat tungo sa tagumpay.
- Imahinasyon
“Imagination is the highest form of research.” – Albert Einstein
Ayon kay Einstein, mas mahalaga ang imahinasyon kaysa kaalaman. Ang kaalaman ay limitado habang ang imahinasyon ay walang hanggan. Sa oras na may maisip kang kakaibang bagay mula sa iyong imahinasyon ay madali mo itong maibabahagi sa iba at makikita ng mga tao ang mundo mula sa iyong imahinasyon.
- Pagkamalikhain
“Creativity is contagious, pass it on.” – Albert Einstein
Hikayatin ang iba na gawin ang bagay na mahal nila. Gamitin ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga bagong bagay, dahil maaari itong magsilbing inspirasyon sa iba na gamitin din ang kani-kanilang pagkamalikhain.
- Pagsisikap at kabiguan
“The only sure way to avoid making mistakes is to have no new ideas.” – Albert Einstein
Ibinuhos ni Einstein ang buong buhay niya sa paggawa ng mga teorya – ilan ay hindi naging matumpay habang ang iba naman ay kilala at ginagamit natin hanggang ngayon. Hindi man natin alam kung ano ang magtatagumpay ngunit kailangan natin magpursige. Kailangan nating magpatuloy at sumubok sa pagbibigay solusyon sa ating mga problema.
“You never fail until you stop trying.” – Albert Einstein
- Kasimplihan
“If you can’t explain it to a six year old, you don’t understand it yourself.” – Albert Einstein
Ang bagay na komplikado ay kailangan ng malaking atensyon at oras upang lubos na maintindihan. Kapag mas simple ang isang bagay, mas mabibigyan mo ito ng halaga dahil mas madali mo itong naiintindihan. Kapag mas lalo mo itong pinahahalagan, mas mananatili ito sa iyong isipan at mas madali mo itong maibabahagi sa iba.
- Mabuhay sa kasalukuyan
“I never think of the future – it comes soon enough.” – Albert Einstein
Iwasang magalala sa maaaring mangyari bukas o sa mga susunod na araw dahil mangyayari pa lang naman ang mga ito at wala tayong kasiguraduhan kung ang ating mga iniisip ay tunay na mangyayari. Ang kasalukuyan lang ang may kasiguraduhan tayo ngayon. Sikaping gawin ang mga bagay ngayon ng buong lakas at puso.
- Maging kakaiba
“I never made one of my discoveries through the process of rational thinking.” – Albert Einstein
Kung patuloy na susunod sa normal na daloy ng mga bagay bagay, normal lang din ang magiging resulta ng bagay na iyong ginagawa. Magisip ng kakaiba at umalis sa komportableng kahon ng mga karaniwang kaugalian.
- Pagpapahalaga sa tao
“Life isn’t worth living, unless it is lived for someone else.” – Albert Einstein
Magbigay ng oras upang makipag-usap sa ibang tao at ipakita ang malasakit sa kanila. Ipakita ang pagpapahalaga, magpasalamat at magbigay ng papuri sa kanila. Siguradong mapahahalagahan nila ito at higit sa lahat hindi ka nila makakalimutan.
- Gawin ang tama
“Always do what is right; this will gratify some and astonish the rest.” – Albert Einstein
May mga pagkakataon man na pakiramdam natin ay kailangan natin piliin ang madali kaysa sa tama, piliin pa rin natin kung ano ang tama. Ngunit kung ito ay magbibigay ng mas maraming oportunidad at ang tamang gawin, gawin ito.
- Pagbabahagi
“Student is not a container you have to fill but a torch you have to light up” – Albert Einstein
Ibahagi ang ideya sa iba. Hindi ito nakakatulong sa ibang tao kung itatago lang ito sa sarili. Paano kung nasa iyo ang susi upang masolusyonan ang problema ng iba? Hindi mo ba ito ibabahagi?
- Kumilos tungo sa imposible
“Only those who attempt the absurd can achieve the impossible.” – Albert Einstein
Kahit mukhang katawa-tawa ang iyong ideya, magpatuloy at maging handa sa ano mang kalalabasan nito Higitan ang makatwirang pag-iisip ng ibang tao at gumawa ng bagay na ikagugulat nila.
- Maging bukas sa pagkatuto
“Learning is experience. Everything else is just information.” – Albert Einstein
Ang pagkatuto ay hindi ‘one-size-fits-all’ na daan. Tayo ay may iba’t ibang paglalakbay tungo sa pagkatuto. At hindi lang dapat tayo nananatili sa kung ano mang impormasyon, maging malalim at magsaliksik ng magsaliksik