Nakatanggap ang isang 91-taong babae sa Thailand ng isang college degree matapos ang sampung taon sa pag-aaral nito at tinanggap niya ang kaniyang diploma mula mismo sa hari ng nasabing bansa.
Binigay ni King Maha Vajiralongkorn Bodindradebayavarangkun ang diploma kay Kimlan Jinakul bilang isang tradisyon kung saan ang mga miyembro ng maharlikang pamilya ang siyang magbibigay ng diploma sa mga graduate ng pampublikong unibersidad sa Thailand.
Malaki ang kasiyahang ipinahayag ni Kimlan na aniya ay isang karangalan na ang hari ang nagbigay sa kanya ng diploma.