Ni: D. Bellosillo
Nananatiling isa sa mga isinusulong ng Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagpapalakas at modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ito ay sa kabila ng pagtutok ngayon ng pamahalaan hinggil na rin sa ginagawang pagsawata para wakasan ang pananalasa ng mga teroristang grupo at iba pang mga grupong kriminal sa bansa.
Ayon sa Pangulo, “for the time being, we will be attending to the more pressing needs of our soldiers now engaged in focused military operations in Basilan, Sulu, central Mindanao, and other areas in southern Philippines”.
Sa nagdaang State of the Nation Address (SONA) 2017 ni Pangulong Duterte, bagaman hindi gaanong tinalakay, ang naturang modernization ng Tanggulang Pambansa ay patuloy aniyang pinalalakas ng pamahalaan.
Aniya, “we are working doubly hard towards a stronger and more credible national defense system for the country. We continue to strengthen the defense capability of the AFP as deterrence against terrorists, lawless elements and other threats”.
Kaugnay nito, nauna nang inihayag ng Pangulong Duterte na hindi na ito bibili o tatanggap ng mga second hand kahit magdoble ang halaga ng gastusin para sa gamit, “as long as they are new…I will no longer accept equipment for the military which are secondhand. Those given by Americans, I don’t want them,” aniya, “during my time, wala na akong secondhand na mga barko barko . It has to be brand new,” sa isang pulong sa 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Tiniyak nito sa naturang okasyon na tatanggap ang Hukbong Sandatahan ng mga “best equipment” bilang ayuda sa laban nito kontra-terorismo.
Inatasan na rin ni Duterte na magtungo ang mga opisyal ng AFP sa bansang Russia at Tsina para duon maghanap at bumili ng mga bagong gamit ng mga Hukbong Sandatahan ng Bansa.
Best equipment para sa AFP
“Two countries have agreed to give me the softest loan. It will be payable in 2025,” ani Duterte, “sabi ko sa kanila na I want weaponries and armaments, hindi ko kailangan ‘yang mga jets, ‘yang mga F-16, that’s of no use to us. We don’t intend to fight any country using that…Let’s content ourselves with even the propeller-driven planes but which we can use extensively sa anti-insurgency.”
“The procurements will be more of force protection equipment for our soldiers like helmets and vests, more night-fighting systems capability, additional fast crafts for our Navy, additional helicopters capable of night flight for the Navy and Air Force, and more communications equipment,” pahayag pa ng Pangulo sa harap naman ng mga opisyal ng AFP sa isang pagtitipon sa Sixth Infantry Division headquarters sa Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakailan.
“The 15-year modernization program of the AFP will continue as scheduled,” saad pa ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, na bagaman ang ilang proyekto ng pamahalaan ay nasa agarang pagsawata ng kriminalidad, terorismo at rebelyon, nananatiling nakatutok aniya ang gobyerno sa sinusundang plano hinggil sa AFP Modernization na kung saan nakaprograma ang administrasyon upang magkaroon ng akmang hakbang at gamit para maprotektahan ang teritoryo ng bansa lalo na ang ating katubigan o sa maritime.
Ang Philippine Navy (PN) ay inaasahang magkaroon ng mas maraming naval assets para magpatrol sa malawak na katubigan ng Pilipinas, gaya na lamang ng pagdaong sa bansa ng BRP Davao Del Sur (LD-602) ang ikalawang strategic sealift vessel (SSV), at dalawang missile-armed MPACs na inaasahan ngayong Nobyembre ng taon.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Eduardo Año, ang nabanggit na bagong mga sea vessels ay para sa mas pinaigting na pagpapatrol ng Navy, lalo na sa katubigan ng Basilan at Sulu, upang harangin ang posibleng kaparehong pag-atake ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), na gaya ng naganap sa bigong pagkubkob ng nasabing grupo sa Inabanga, Bohol na nagresulta sa pagkasawi ng anim sa mga bandido, kabilang na ang sub-leader na si Muamar Askali alyas “Abu Rami”, tatlong sundalo at isang miyembro ng pulisya noong ika-11 ng Abril.
Katubigan bantay sarado
Ang BRP Davao Del Sur ay sister ship ng BRP Tarlac (LD-601), kasalukuyang pinakamalaking Pinoy warship na naglayag ng limang araw mula PT PAL’s shipyard sa Surabaya, Indonesia. Bahagi ang naturang mga barko ng proyektong may budget contract na P4 bilyon mula sa AFP Modernization Act Trust Fund.
Pawang ang nasabing mga SSV ay magsisilbing floating command-and-control ship, lalo na sa pagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response, gayundin bilang military sealift at transport vessel.
Ang BRP Davao Del Sur ay kayang magkarga ng hanggang 2,800 toneladang bigat, sa tinatayang 500 tropa na sakay nito, maliban pa sa dalawang rigid-hull inflatable boats, dalawang landing craft units at tatlong helicopters. Ito ay may bilis na 13 knots hanggang 16 knots at may ‘minimum operating range’ na 7,500 nautical miles.
Binubuo naman ngayon sa Propmech Corp. shipyard na matatagpuan sa Subic Bay, Zambales ang kauna-unahang dalawang multi-purpose assault craft o MPACs, na mayroong missile armament. Ito ay maliit ngunit may kakaibang bilis na sasakyang pandagat. Kasunod ng naturang pagbubuo ay ang ilang testings hinggil sa kakayahan nito.
Kalawakan, lalong pinalakas
Samantala, nito lamang nakaraang buwan nang ibigay ng matataas na opisyal ng Korean Aerospace Industry kay Pangulong Duterte at Defense Secretary Lorenzana ang certificate of complete delivery ng labing dalawang FA-50s, kung saan ang naturang mga jets ay may kabuuang halaga na P18.9 bilyon.
Sinasabing apat sa mga ito ay kabilang na sa mga pinangsabak sa teroristang Maute at Abu Sayyaf Group sa Marawi City. Ang naturang procurement umano ay kabilang sa mga pinakamahal sa listahan ng modernization program ng nagdaang administrasyong Aquino. “The PAF plays a crucial role in preserving our national integrity and in the face of challenges from within and from without, from the outside of our borders”, saad ni Digong.
“The intensified area reconnaissance mission and the maritime patrols of the West Philippine Sea and the Benham Rise are testament to our dedication to protect our water from external threats,” dagdag pa ni Duterte.
Sa rekord, mayroong P132.9 bilyong pondo ang inilaan ng administrasyon para sa Hukbong Sandatahan ng bansa na mas mataas ng 17% sa 2016 budget na nasa P113.2 bilyon. Bahagi nito ang P25 bilyon sa modernization program, na lagpas naman sa P1.2 bilyon ang laan para sa arsenal na 13%, mas malaki sa pondong laan noong 2016 na P1 bilyon lamang.
AFP, may ISO na!
Samantala napagkalooban na ang Armed Forces of the Philippines Procurement Service (AFPPS) ang International Organization for Standardization (ISO) 9001:2008 Certificate. Ayon kay retired Gen. Alvin Francis Javier, AFPPS Commander, “the AFPPS officially obtained ISO 9001:2008 Certificate on April 6, 2015 from TUV Rheinland Philippines, Inc.,aniya, “a well-respected international audit body which specializes in evaluating management systems based on international standards. We are so proud of this feat… we are determined to have all the units of AFPPS to be compliant to international standards”.