Mahigit 22,000 bilang ng mga residente ang nawalan ng kuryente sa Florida nang magpadausdos ang isang malaking ahas sa isang mataas na boltahe ng circuit breaker, ayon sa isang opisyal ng electric utility sa nasabing lugar.
Hindi nakaligtas ang naturang ahas na nakilalang isang red snake nang makuryente ito sa Orange Park substation.
Dahil dito, naglagay na ang nasabing utility ng animal shields at fiberglass brackets sa mga linya ng kuryente upang maiwasan ang pagka-brownout na may kaugnayan sa hayop na nadidikit sa mga linya.