Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Albuera, Leyte.
Naitala ang lindol sa limang kilometro hilagang-silangan ng Albuera, kaninang 6:26 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na limang kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa Ormoc City; intensity 4 sa Pastrana, Leyte at intensity 3 sa Tacloban City at Palo sa Leyte habang instrumental intensity 1 naman sa Cebu City.
Wala naman naitalang pinsala ang lindol pero asahan ang aftershock.
Unang naitala sa magnitude 4.6 ang lindol pero itinaas ito sa magnitude 5.1 kalaunan.