Ni: EZ G.
Kung babanggitin mo sa isang ordinaryong mamamayang Pilipino ang hinggil sa mga istoryang nakaguhit na sa kasaysayan ng Pilipinas, tulad ng EDSA Revolution, istorya ni Jose Rizal, o ni Lapu-lapu at Magellan, marahil alam ng karamihan ito. Subalit kung ang hinggil sa Balangiga Bells ng Samar ang iyong itatanong, marahil kakaunti ang nakakaalam dito. Pumutok kamakailan lamang ang isyu nang banggitin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA. Hinihingi niya ito sa Estados Unidos—sapagkat aniya importante ito sa mga taga-Balangiga, sa mga Pilipino.
Sa mga hindi nakababatid, matapos ang pagsakop ng mga Kastila sa ating bansa, sinakop naman tayo ng mga Amerikano. Sumiklab ang tinaguriang “Filipino-American War” at nagtagal ito ng 3 taon (1899-1902).
Ang masaklap na sinapit ng mga taga-Balangiga
Sa Balangiga sa Eastern Samar nangyari ang isa sa pinaka-madilim at malungkot na bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas. Bunga ng pagmamalupit ng mga sumakop na kano sa mga taga-Balangiga, nagplano ang mga Pilipino ng rebelyon laban sa mga ‘kano. Nagtipon-tipon ang mga kalalakihan sa simbahan ng Balangiga, ang iba nakasuot pambabae, ang iba naman ay nagpuslit ng mga armas papasok ng. Sa hudyat ng tunog ng kampana, sabayang sumugod ang mga Pilipino at napatay ang may 48 na Amerikanong sundalo.
Bumalik ang mga ‘kano. Sa utos ni Brigadier General Jacob Smith, pinapatay niya ang lahat ng kalalakihan edad 10-anyos pataas—lahat ng kayang magbitbit ng armas. At ang lugar kung saan napatay ang 48 na sundalong amerikano, iniutos ni Gen. Smith na ito ay sunugin, patagin at gawing ‘umaalulong na kawalan.’
Tinangay ng mga ‘kano ang tatlong kampana bilang premyo ng pakikipagdigma, or ‘war booty.’ Dalawa sa kampana ay nasa Wyoming USA, at ang isa naman ay nasa sa South Korea. Nalimutan na ang mga kampana ng panahon, subalit naungkat nang muli, sa panahon ni Pangulong Digong.
Pagpapatawad at kalimutan ang nakaraan
Sinikap na ibalik ang kampana ng ilang politiko subalit bigo sila. May grupo kasi ng mga amerikanong war veteran ang humaharang sa pagsauli ng mga kampana ng Balangiga, para sa kanila, malalim ang kahulugan ng pagpapanatili nito sa Estados Unidos.
Sa pag-ungkat ni Digong sa isyung ito, nakakatuwang isipin na kasabay ng pakiusap niya, may mga amerikano na rin na isinusulong na maibalik ang kampana sa Samar. Isa na rito si Dana Rohrabacher, isang US Congressman. Aniya, “the bells of Balangiga is something that touched the souls of the Filipinos, and we should not take it lightly and the fact that they haven’t gotten it back, doesn’t speak well of us,” pahayag ni Cong. Rohrabacher.
Si Logan Clarke naman, founder at presidente ng ‘The Committee to Return the Bells,’ noong nabalitaan niya na nagsulong ng resolusyon si Cong. Rohrabacher subalit walang nangyari, agad niya itong kinausap. “Lack of awareness and support is what rejected the resolution,” ani Logan. “So I talked it out with Dana and told him if he’s interested to do it all over again, and he said yes delightfully.” Sabi pa ni Logan. Ito ang naging hudyat upang magtulungan ang dalawa. ‘Di naglaon dumami ang sumasapi sa ‘Committee to Return the Bells’ dahil nauunawaan na nila ang tunay na nangyari—mga manunulat, mga direktor, mga artista, aktivista at mga politiko ang nagsisipagsali sa nasabing grupo.
“When a historical relic is taken away, and peace were made, and alliance were made, and years passed, and that religious relic is languishing in obscurity in a foreign country, like the bells of Balangiga from the Philippines—why is it in Wyoming? I don’t think anyone could argue with the fact that they need to be returned, they need to be given back.” Sambit ng amerikanong si Xander Berkeley, isang actor-aktivist at miyembro rin ng nasabing kumite.
Dagdag pa ni Logan Clarke, kailangang tuloy-tuloy ang paglikom ng taga-suporta ng layong maibalik ang mga kampana, at tutukang maigi ang pakikipag-usap sa mga kinauukulan para mapapayag na bitawan na at isauli ang mga nasabing kayamanan ng Bilangiga. “We have to keep the issue alive, if we have to go back to Balangiga and bring the mayor of Balangiga to Wyoming and convince the governor of Wyoming, and the small group from Wyoming who wants to keep the bell. I do believe they would give in to the request once they do know the real story, and once they know, I do believe they will be in agreement with us,”
Sa ngalang ng tulungan at pakikipagkaibigan
Mataas din ang kumpiyansa at positibo ang pananaw ni Ambassador sa Estados Unidos na si Jose Manuel Romualdez na malapit nang maibalik ang mga kampana ng Belangiga sa simbahan nito. Aniya, naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng mga grupo ng nagsanib na mga Pilipino at Amerikanong nakabase sa Amerika na makukumbinse nila ang mga nasa Wyoming para maibalik na ang mga kampana.
Sa pahayag naman ni Jim Flynn, Executive Director of UPF America, ang pagsasauli ng nasabing mga kampana ay makakabuti sa kaniyang bansa sapagkat maitatama nito ang isang hindi magandang pangyayari ng nakaraan.
“The bringing back of the Belangiga bells is an important symbolic gesture that can be made with one simple premise—the Filipinos and Americans are friends, and allies. We have a long history of relationships that is very, very positive. As in any other relationships there are occurrences from the past that caused problems and pains and so this is one we hope that in both sides we could elevate the perspective and focus on our friendship and our alliance together as the Filipino-American people—we all realized that these unfortunate conflicts of the past can be healed because we choose to focus towards the future, find ways were we could work harmoniously, there are so many kinds of issues that are in need of healing and reconciliation and can be done with a little creative effort on our part.” Sabi ni Flynn.
Malaki ang nagagawa ng pagtutulungan, pakikipag-ugnayan, pakikipag-kapwa upang maibsan ang tensyon sa mga isyung tulad ng Balangiga Bells. Malaki ang maitutulong ng mga grupo tulad ng ‘Committee to Return the Bells’ nila Logan Clarke. Malaki rin ang magiging papel ni Pangulong Digong sa pagpukaw ng damdamin ng mga Pinoy hinggil sa kampana ng Bilangiga at naragdagan ang nakakaalam na dito. Ika nga, mas maraming mag-iingay, mas nakagigising sa tulog na diwa at pang-unawa.