Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
Sa panahong kayo ay isinilang, ang espiritu ng demonyo ay nakatatak na sa inyo. “Iyan ang aking katawan.”
Tingnan lamang ninyo ang mga demonyo sa labas, meron silang iba’t ibang espesyal na katangian. Ang isa ay magiging isang manggagahasa, ang isa naman ay magiging mandurukot, ang isa ay magiging mamamatay tao, ang isa ay… Sila ay may lahat ng ganitong talento na nanggagaling sa mga demonyong umangkin sa kanila na hindi nila nalalaman. Ngayon sa Kaharian, kayo ay nalinis mula sa mga demonyong espiritung iyon. Kaya kayo ay naisilang muli sa espiritu. Espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Ang lahat ng mga anghel na pumanig kay Michael, ang Arkanghel, ay mga mabubuting mga anghel. Kaya sinasabi ng Salita ng Panginoon, “Libo-libong mga anghel ang nagdiwang sa langit sa isang kaluluwang nagsisisi.” Bakit? Dahil ang mabuting anghel ay tinatatakan kayo sa pagiging nabinyagan sa espiritu. At ang Ama ay nagsabi, “Angkinin ang katawang ‘yan.” At meron kayong common denominator dito. Ito ang espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Ang lahat ng mga anghel na iyon ay masunurin sa Kalooban ng Ama. Ngunit meron silang iba’t ibang espesyal na katangian.
Tagapagdigmang Anghel
Kaya ang digmaan sa langit ay bumaba dito sa lupa. Pinagmamay-ari na ngayon ng mga espiritu ang mga katawan, maging ito man ay naisilang sa laman, pinagmay-ari ng Binhi ng Serpente at pinagmay-ari ng espiritu ng demonyo. Nalalaman man ninyo ito o hindi. At ang mga pumapasok sa Kaharian ng Langit, dahil ang Langit ay pinadala rito. Ang kanilang digmaan ay dinala rito at nagpapatuloy ang espirituwal na digmaan. Lahat kayo na nakikinig sa aking boses at naisilang muli sa espiritu sa pagsunod sa Kalooban ng Ama, ang isang anghel sa Langit ay minamarkahan na kayo. At kapag kayo ay tumubo sa pagkagulang sa Kalooban ng Ama, kayo ay magiging tagapagdigmang anghel na pinadala, ibinigay sa inyong area of responsibility at magtatayo kayo ng isang KLC, ang teritoryo ng demonyo doon at ang kadiliman ay natalo na. Tinalo ninyo sila sa espiritu. Merong mga tagapagdigmang mga anghel na dumating mula sa Kaharian na pinadala natin ay natalo rin. Saan na sila ngayon? Dahil hindi sila nakikinig, matitigas ang kanilang mga ulo, sila ay natamaan ng demonyo. Ngayon sila ay kasama na ng demonyo at naging ahente ni Satanas na dati ay sa Kaharian ng Panginoon at ngayon sila ay nagiging mga demonyo na laban sa Kaharian ng Panginoon. Tingnan ito, “nagkakaroon ng pagbabaka sa langit…” ang demonyo na si Satanas ay nagdesisyon na maaari siyang magiging panginoon. “Maaari akong maging Panginoon, dahil lahat ng kaalaman ng Panginoon ay ibinigay sa akin, sa katunayan, ako ang kanang kamay Niya.”
Meron akong ipahahayag sa lahat sa inyo, ako ay kilala sa mundo, at maging sa Pilipinas. Sinuman ang nakipag-ugnayan sa akin dito, maging sila man ay mga mamamayan sa Kaharian o hindi, at ginagamit ang aking pangalan para sa ibang layunin, sila ay hindi otorisado. Walang pinahintulutan na gumamit sa aking pangalan sa anumang transaksyon na walang lagda sa akin o walang pahintulot sa akin. Walang sinumang pinahintulutan na magsagawa ng transaksyon sa Kaharian. Nakikipag-usap lamang ako sa isa o dalawang tao dito sa Kaharian. Ito sina Sis. Ingrid, Sis. Teng, Sis. Nelly, Sis. Pauline, kung hindi man, walang pinahintulutang gumamit ng aking pangalan sa anumang mga transaksyon. Kung mayroon man, ireport ito sa Kaharian, kung ginagamit nila ang aking pangalan. Tawagin ang Kingdom hotline at ipahahayag natin sila, iimbestigahan natin sila. Huwag maloko at malinlang sa mga taong gumagamit na aking pangalan.
Ang digmaan sa kaharian ng langit sa lupa
“Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka.” Tingnan niyo, si Satanas na si Lucifer ang demonyo, dahil siya ay si Lucifer, nakakaya niyang linlangin ang lahat ng mga anghel doon sa langit, may bilyon-bilyong mga anghel sa Langit. Ang Salita ng Panginoon ay nagsabi, ang dragon, si Lucifer at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka laban kay Michael at ng kanyang mga anghel. May mga matapat na anghel at may mga masuwaying mga anghel. At ang mga masuwaying mga anghel ay naging mga demonyo, mga demonyong puwersa sa ilalim ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. At ang mga mabubuting mga anghel ay nananatili sa Ama. Tandaan ito. Ang digmaan ay nagsimula sa langit at ito ay nagpapatuloy dito sa Kaharian ng Langit dito sa lupa ngayon.
Narito ako, bilang isang Hinirang na Anak, ang Kumander at Hepe ng pinakadakilang espirituwal na sundalo sa mundo. Ang ating mga sandata ay hindi karnal, ngunit makapangyarihan sa pamamagitan ng Panginoon upang gumiba ng mga kuta. Kaya hindi ito pisikal na digmaan. Ito ay isang espirituwal na digmaan. Kapag naniniwala kayo sa akin at tanggapin ang aking salita, ang lahat ng puwersa ni Satanas na si Lucifer ang demonyo ay dadagsa sa inyo. Aatakehin nila kayo. Susubukin nilang hadlangan kayo, subukin nilang talunin kayo at patayin ang inyong pananampalataya. Sa panahong napatay nila ang inyong pananampalataya, kayo ay mawawalan ng pananampalataya at sasanib kayo sa kanila. Kayo ay nasa ranggo na ng mga puwersa ng demonyo. Dati, naniniwala kayo sa akin, ngunit kayo ay natamaan. Ano ang mga sandata ng demonyo? Agam-agam, takot, pighati, sakit, sindak. Ano ang mga sandata ng Kaharian? Pananampalataya, Salita ng Panginoon.
“Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka.”
Wala nang lugar para sa kanila sa langit. Kaya kapag kayo ay naging isang Mamamayan sa Kaharian, meron kayong lugar dito, huwag pabayaan ang inyong lugar. Hawakan ninyo ito dahil iyan na ang inyong kaligtasan.
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinawag na Diablo at Satanas, ang dumaya sa buong sanlibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.”
Isipin nalang ang bilyong mga natalong mga anghel at si Satanas ay narito sa lupa ngayon. Handang angkinin ang sinuman na naisilang sa laman. Pagkapanganak sa ina ninyo, meron nang nakatayo doon, hindi mo alam. Naroon si Lucifer, “Iyana ng ang apo.” Sasabihin niya sa isa sa kanyang mga demonyo na mga dating mga anghel, “Angkinin ang siya ngayon din. Sa iyo ‘yan, iyan ang iyong katawan na ibibigay ko sa iyo.” Samantala sa Kaharian, kapag kayo ay nabinyagan at naniniwala kayo sa aking mensahe at inyong inalis ang demonyo na nag-angkin sa inyo noon, isang anghel ang nakatayo sa harapan ninyo. At ako ay naroon kasama ng Ama at magsabi, “Angkinin ang katawang iyan, dahil iyan ay sa Panginoon.”
Itutuloy…