Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
Tingnan ang Pahayag 12:10: “At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.”
Siya ang tagasumbong, siya ay inihagis. Nang ako ay pumunta rito at dinala ang mensahe, sino ang nagsumbong sa akin? Si Satanas na si Lucifer ang demonyo. Ano ang mga akusasyon? Marami. Kulto, bulaang propeta, kahit ano. Iyan ang mga akusasyon na maririnig ninyo araw at gabi. Ngunit magdiwang tayo dahil wala na sila rito at sila ay inihagis.
Ang Kaharian ng Langit sa Lupa
Pahayag 12: 11-12: “At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. Kaya’t mangangalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Ang Kaharian ng Langit ay narito na, ang mundong ito ay siya pa rin ang planetang earth. Ngunit hindi tayo apektado sa rebelyon ni Satanas. Dahil ito ang Kaharian ng Langit sa lupa. Kagaya ito ng paninirahan sa planetang tinukoy ko sa inyo. Ang atmospera nga lang ang nalipat dito. Kaya kung kayo ay nasa loob ng Kaharian ng Langit sa ilalim ng Hinirang na Anak, hindi kayo apektado sa kahangalan ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Nagdiriwang tayo dito.
“Kaya’t mangangalak kayo, Oh mga langit…” Kayo ngayon ay nananahan sa makalangit na mga lugar kasama ang Anak, kaya magalak tayo. “at kayong nagsisitahan diyan,” lahat kayong mga Kingdom Citizen, kayo ay nananahan na sa Langit. Kaya ang totoong pisikal matapos ang espirituwal, darating ang physical rapture, tayong lahat ay iangat sa lugar na iyon, sasabihin natin na nasanay na tayo rito. Nasanay na tayo sa pagsusunod, nasasanay na tayo sa katapatan. Ang nabago lang ang tanawin. Walang kagaya nito sa mundo. Hindi ninyo nakikita ito. Hindi ito mailarawan ng mga salita ng tao. Ngunit ang espiritu ay pareho.
Ang “ibigin ang kapwa” ay naroon, ang “ibigin ang kapitbahay” ay naroon. Ang lahat ay naroroon. Ang mga bunga sa espiritu ay naroroon. Walang bakas ni Satanas na si Lucifer ang demonyo doon. At kapag meron man ay aarestuhin natin at ihagis sila sa labas. Sasabihan natin sila, “Bibigyan kayo namin ng pagkakataon na magsisisi. Bibigyan namin kayo ng pagkakataon na irehabilita.” Kapag hindi ninyo magawa ‘yan, ay ihahagis naming kayo kasama ng inyong mga demonyong kapatid na lalaki at kapatid na babae sa mundo. Ang labas ng Kaharian ay ang mundo. Ang nasa loob ng Kaharian ay langit. Ito ang Kaharian ng Langit sa lupa ngayon.
“Kaya’t mangangalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat. Sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Huling Sangkahan ni Satanas
Simula Abril 13, 2005, merong matinding pagpapalubha ng karahasan. Karahasan, pighati, takot at sindak ay nangyayari sa buong mundo. Bakit? Alam ba ninyo kung bakit? Dahil ang Hinirang na Anak ay narito. Dahil inilulunsad ko ang espirituwal na digmaan at ito ang huling matindi, huling sangkahan ni Satanas upang malinlang ang mundo. Ngunit hindi niya ito magawa dahil kahit saan mang lugar ang boses ko ay tumatagos, ang liwanag ay magliliwanag doon.
Hindi takot si Satanas sa armas, bala, mga kanon, mga bomba, mga nukleyar. Sa totoo, siya ang gumawa ng mga ito. Ano ang kinatatakutan ni Satanas na si Lucifer ang demonyo? Siya ay takot sa liwanag. Siya ay takot sa katotohanan. Siya ay takot sa atin na mga espirituwal, dahil siya ay espiritu. Hindi ninyo siya matalo ng mga nukleyar na bomba, mga bomba, mga kanon, o malalaking armas. Siya ang gumawa ng mga iyon at sasabihin niyang, “Patayin ang bawat isa sa pisikal. Kayo ay nasa aking pinaghaharian, malugod ko kayong tanggapin dito sa impiyerno.” Kahit saan tumungo si Satanas, merong impiyerno. ng mundo ay ang planetang ginawa na kagaya ng langit noon. Ngunit saanmang may demonyo may impiyerno.
At pagkatapos ang kanyang mga anak ay nakipagdigma sa bawat isa. At kapag kayo ay tumingin at kayo ay espirituwal na kagaya ko, at tiningnan ninyo sila mula sa kinalalagyan ninyo sa langit, si Satanas ay nakatayo sa unahan nila at nagsasabi, “Tumuloy kayo sa aking impiyerno. Ito ang aking impiyerno. Dito ako naninirahan. Sige, makipagdigma sa bawat isa, bombahin ang bawat isa, patayin ang bawat isa.” Iyan ang mundo at impiyerno ni Satanas. Mula sa langit ang Ama ay tumitingin. Kaya sinabi Niya, “Sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Ang Pinakadakilang Politiko
Ngayon siya ay dumating dito at nangingibabaw sa planetang mundo. Dumagsa ang mga relihiyon, ang Kapanahunan ng Hudyo, ang Kapanahunan ng Simbahan. Tinatawanan lamang sila ni Satanas. Dahil sa simula, sila ay mga totoo at wagas. Ngunit ang demonyo ay dinaya sila. Ang demonyo ang pinakadakilang politiko sa mundo. Kaniyang pinolitika sila. Sinabi niya, “Ah, narito kayo, magtatayo ng pananampalataya at gagamitin ang pangalan ni Jesus Christ. Tingnan natin kung anong meron kayo.” Bubulong sa kanila sa Satanas, “Ito ang gagawin ninyo. Mga anak kahit kayo ay mga relihiyoso ay pagmamay-ari ko pa rin kayo. Kaya turuan ko kayo kung paano gumawa ng relihiyon. Dahil ako ay gumawa ng panginoon mula sa inyo, kayo ay makapagbigay kahulugan sa anumang mabuti at masama na naaayon sa inyo.” “Kailan mo ginawa ang panginoon mula sa akin?” “Dahil balak ko sana na palitan ang Panginoon sa langit. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Inihagis Niya ako, ngayon kayo ay nilikha ng Panginoon at nais Niyang mananahan sa inyo.” Kaya Kanyang binigay sa inyo ang Kanyang Salita. Ang Salita ay Espiritu at ang Espiritu ay ang Panginoon.
……(Itutuloy)